At kung ang sakit
Ang pait
Ang pighati
Ang kirot
Ang kasadlakan
Ang hapdi
Ang bawat pagsamo ang gumuguhit,
Gamitin mo ang luha ko bilang pintura
Gamitin mo ang balat ko bilang balindang
Ilarawan mo
Iukit
Iburda
Ipinta ang tinatangis
Nang sa gayo’y iyong matanto
Na sa bawat panaghoy ay mayroong kasagutan
Na sa bawat kapighatian ay mayroong kariktan
Dahil ang bawat pintig ng puso
At pagdaloy ng dugo ay lumilikha ng sining
Maaaring itago sa sarili
Maaaring ibahagi sa nakararami
Ang iyong emosyon bilang isang obra-maestra
[PAGKAKATALIKWAS: Naisulat mula sa isang ideya. Mula sa utak at hindi mula sa emosyon. Pagkat ako’y masaaya (kung hindi pinaka)]
Advertisements