Aminin Mo

Aminin mo.
Aminin mo na malungkot ka.
Aminin mong di ka masaya.

Sa bawat ngiting sinusuklian ng simangot,
Sa bawat tawang sinusuklian ng iyak,
Aminnin mong malungkot ka.

Mapaglaro ang panahon, mapaglaro ang mundo.
Tahimik ka nga, tikom ang bibig.
Pero ang utak mo’y walang tigil na humaharurot.
Paulit-ulit at pa-ikot-ikot.

Nakakapagod.
Wala kang binibigkas pero daig pa ng isang nananalumpati ang utak mo.
Daig pa si Karl Marx o Sigmund Freud sa mga pinagsasatsat.
Mahirap nga namang patahimikin ang maingay na utak at damdamin.

Pero siguro kung aaminin mo,
Siguro lang naman kung maaamin mo.

Di ka masaya.
Malungkot ka.

Ganito pala yun, ‘no?

Baka masolusyonan mo pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s