Monthly Archives: December 2014

Oras at Petsa

Mga litratong kuha noong ika-25 ng Disyembre 2014

Dahil hindi libre ang lahat,
Sa bawat kinukuha mo,
Mayroong nawawala sa’yo:
Pera, oras, bagay, tao.

Minsan hindi man natin pansin,
Lahat ay may kapalit.
Pero dahil mabilis dumaan ang saglit,
Huli na nating napagtatanto.

Sa bawat kilos at salita,
Marapat na pag-isipang mabuti.
Sa bawat unting pagkakamali,
Maraming nasasayang, o nasasaktan.

Lumilipas ang lahat: bagay man at kalikasan,
Maging ang tao, lahat ay lilipas din.
Hindi naibabalik ang oras at pagkakataon,
Mabilis lang itong mapapadaan sa buhay.

Parang malay nating magaan man o mabigat,
Patuloy na sasabay sa daguydoy ng ating emosyon.

Pagtanaw

Dahil bukas babalik na naman ako,
Kung saan noon ang naging takasan ko.
Ngayon babalik ako,
Masaya na ako at malaya sa kapaitan ng kahapon.

Babalik ako sa lugar na hindi na ako iiyak,
Na hindi na parang bibigay ang puso ko
Na hindi na mamumugto ang mata ko
At wala nang babagabag sa sarili ko.

Dati man puno ng pait at lungkot at takot,
Ngayon puno ng tamis at saya at tiwala.

Pagkat panatag na ako.
Masaya na ako.
At wala nang hihilingin pa.

Babalik ako sa opisina
Sa opisinang naging bago sa’kin lahat noon
Sa opisinang bumuo ng summer ko.

Bukas mamasko ako.
Bukas babalik ako na may tuwa at galak.
Bukas babalik ako na may pag-ibig na tangan.

Simulation of Sauron

You pretend as if you are as good as Gandalf the Grey.
You brag about your skills as if you are as skillful as the elves.
You underestimate others as how they underestimate the dwarves.

You think you’re as brave as the hobbits?
But dude, you may not be as ugly as the orcs,
Nor as evil as Sauron,
But you act like you’re Saruman the White when he turned to Sauron.

Face it.
You are a man from the middle earth.
You, too, are a mortal.

STOP PLAYING GOD
(or in this case, a wizard, or whatver).

To “A”

You will always be a “what if”.

That will always be:

the chance I did not take,
the request I did not approve (nor decline),
the question I did not answer.

But no matter how playful our fate had gotten,
I am still happy where we are right now.

kon ·SAYA· nsiya

ANONG NARA(RA)MDAMAN MO?

Sa Unang Kabanata,
muntik mo nang masira siya at siya
pero marupok ka pa noon
madaling ibaon tulad ng nakausling pako.

Sa Ikalawang Kabanata,
para kang anay na sinisira ang isa pang siya at siya
patago man o bulgaran
‘sing talim ka na ng kutsilyo.

Sa Ikatlong Kabanata,
bumalik sa una at nasira mo siya at siya
naging saling ketket ka
tila kasalo ngunit hindi masyado sa ten twenty.

Sa Ikaapat na Kabanata,
nagwagi ka pero masaya ka ba?

MAG-ISIP.