Monthly Archives: September 2014

SVMSON

“Samson came to my bed
Told me that my hair was red
Told me I was beautiful and came into my bed”

‘ang cool ng pagkakadescribe niya sa’yo’
‘red head ka daw’

Sabi ni Samson at sabi mo
Habang binabaybay natin
Ang kahabaan ng trapik sa Calamba

Medyo nakakabwisit, nakakainis
Lintik na alas dose na
Pero sobrang layo pa rin natin sa Crossing

Pero binawi ng mga braso mo
Ang inis at pagkabwisit
Na malapit nang pumuno sa akin

Hinawi mo ang buhok ko
At inayos ang damit ko
Sabay nanahimik at tinanaw nalang ang kalsada

“Samson went back to bed
Not much hair left on his head”

Tumawa ako at tiningnan ka
Nagtaka ka pa,
Sabay sabing “Bakit?”

Kinanta ko pa rin sa’yo
Ngumiti ka’t niloko ako
Sinalo muli ako ng braso mo

Sinamahan yata tayo ni Spektor
Noong madaling araw
Sa biyahe pa-Sta Rosa

—–

Dahil sa’yo kumakalma, bumubuti
Dahil ikaw ang nagpapatino, nagpapapasensya
Dahil masaya ako, tunay at walang halong kaplastikan

Kagabi/Kaninang Madaling Araw
Dyipni, ELBI – STR

Salamat Ka-Roger

Sa malamig na klasrum kahapon sa LR1,
Muli naming napag-usapan si Ka-Roger.
Isa siya sa mga nagsimula ng “network analysis”
Bigla akong napaisip, at may naalala.

Si Cain ay may dalawang kaibigan,
Ngunit kaibigan nga lang ba talaga?
Maaari palang,
May espesyal siyang relasyon sa isa at sa isa pa.

Sa tuwing nawawala ang una,
Pupunta siya sa ikalawa.
Sa tuwing nawawala ang ikalawa,
Babalik siya sa una.

Minsan nakakatuwang isipin
Kung paano naging konektado
Ang isa sa isa
At ang isa pa sa isa

sociogram_explained Isipin mo kung saan ka dito lumulugar. O baka wala dahil isolated dyad kayo.

Gumising ka sa katotohanang liaison ka lang.
Magpauntog rin kung minsan.

Dahil sa larangan ng komunikasyon,
sinasabi ni Everett Rogers na,
“individuals are interconnected by patterned communication flows”
Salamat, E. Rogers.

Minsan, E-HEADZ

Pero hindi na pala minsan,
dahil ngayon ay madalas.
Kung saan-saan kayo muling naririnig
Sa parehong tinig.

Minsan sa kainan sa Vega,
At isang gabi sa Ferd’s.
Dahil hindi pa rin kumukupas,
Iisa ang natatanging hiling.

Ely, Raimund, Buddy, at Marcus.

Manonood pa ako ng concert ninyo.
Utang na loob lang.