[K]WEBA

“Tapos na tayo ha.”

 

Mm-hmm. Iiwan ko na ang kwebang ito. Babalikan ko pa naman to, ngunit para kunin na lang ang mga gamit kong nakakalat pa. Marami-rami na ring nangyaring pagbabago sa buhay ko kasabay ng paninirahan ko dito. Pero ngayon, tapos na ang kontrata. Matagal na nga dapat eh, mga dalawang linggo na akong huli, at ngayo’y magtatatlo. May kakaiba sa apartment na ito. Para bang nilalamon ka nito ng buo sa unang paghakbang palang ng paa mo papasok. Maganda nga, pero nakapanlilinlang ang kagandahan ng kwebang ito. Parang depression pit. Kapag pumasok ka, mababaliw ka.

 

“Parang nakakadepress talaga sa apartment na to no?”, ika ni Carl Angela, best friend ko mula hayskul at roommate ko ng dalawang taon na. Totoo nga naman. Matagal na rin akong di umuuwi sa apartment naming to. Para ba akong lumipat noong ikalawang semestre ng taon. Tambakan ko nalang ata ng damit at mga gamit ‘to. Paliguan, minsan hindi pa nga eh. Matatapos na ang semestre ng umuwi akong muli dito, pero hindi ko pa rin pala kayang magtagal. Lalo na sa panahong wasak na wasak ang buhay at pagkatao ko. Hindi ko kinaya, kinakaya at kakayanin pa ang kabaliwang taglay ko kung mananatili pa ako nang higit sa isang oras dito. Umuuwi lang ako dito para umiyak. Hindi na ipapakita sa iba sapagkat ayokong manghingi ng simpatya. Dito ako humahagulgol sa tuwing mag-isa ako. Humihinto lang kapag di na kayang huminga. Maghahanap ng tubig, lalagok. Tapos mapapatitig na naman ako sa mga puting dingding at kisame. Tila may bumubulong sa’kin ng lahat ng bagay na dapat kong ikalungkot. Muli na naman akong iiyak. Kakaiba talaga. Kaya naman sa huling linggo ng klase —-

 

Sa huling linggo ng klase na puro pagsusulit nalang, hindi ako umuwi sa apartment. Hindi ko kasi kinakaya lalo na tuwing nadadatnan ko itong mag-isa. Kulang. Puro alaala nalang ang natira.

 

Naalala ko noong unang beses na dito natulog si           . Kinunan pa niya ako ng ‘litrato’. Hindi niya daw malilimutan ang gabing ‘yon habang nakabalot sa kumot dahil sa lamig. Iniyakan ko pa siya at sinabing “sana (mangyari ang hindi naman; ngunit nangyari)”. Mayroon ding pagkakataon na nag-iwan pa siya ng mensahe sa dilaw na papel at inilagay sa dingding ko. Nasundan pa ng bilang na bilang na beses ang mga sandaling iyon. Hindi ko alam pero parang lahat ng iyon ay ayaw ko pang matapos pa, noon. Pero katulad nga nito at ng kontrata ko sa pinanunuluyan ko, natatapos din ang halos lahat ng bagay.

 

Mangungulila din ako sa kwebang ito. Sapagkat kahit na nakababaliw dito, tila ito ang sumasangga sa lahat ng mga bagay mula sa labas. Liwanag, hangin, at kahit tao. Walang signal, wala kang matatanggap na mensahe. Walang internet. Wala, ikaw lang at buhay mo. Mamimiss ko to. Pero kailangan ko ring bitawan para sa mas karapat-dapat.

 

Sabi nga ng Sugarfree ulit,

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban” 

at

“Ala-ala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto’t naroon siya”

xx

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s