Lipsticks and Cigarettes

Pulang lipstik, sigarilyo, usok, hihithit-bubuga.

 

Sa tingin ng iba, matapang ka daw.

Ngunit sa tingin ng ilan, nagrerebelde ka.

 

Hihithit. Hinihithit mo rin lahat ng problema sa mundo. Hinihithit mo ang mga kamalian sa buhay mo. Papasok sa sistema mo ang usok at nikotin na dadaloy sa loob ng katawan mo. Parang stress lang na nagiging bahagi mo na.

 

Mauubo. Minsan ay di maiiwasang maubo sa sigarilyong hinithit. Kahit anong gawin ay di talaga maiiwasang magkamali at malinlang sa buhay na puno ng misteryo at surpresa. Maaaring madapa sapagkat muli, ikaw ay makatatayo. Sa pag-ubo mo, may ilang usok na mapakakawalan. Masakit man sa lalamunan at maging sa ilong, mababawasan naman ang maling pumapasok sa katawan mo.

 

Bubuga. Dahil hindi marapat na lahat ay tanggapin. Hindi dapat lahat ng usok ay ipinapasok sa sistema. Kakailanganin mo ring ibuga ito.

 

Hihithit ka na namang muli. Minsan mauubo, at pagkatapos ay bubuga.

Ngayon nama’y maglilipstik ka upang itago ang nangingitim mo nang labi na dulot ng yosi.

 

—- Sapagkat may naiwan ka pang marka ng lipstik mo sa natirang filter ng yosing itinapon mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s