Ikaw Na Matatag

Hiling ko para sa’yo ay kasiyahan. Matapos ang lahat ng pinagdaanan, nanatili kang matatag, matapang at palaban. Maaaring sa mga karanasan mo sa buhay ay hinamak kang lubos kung kaya’t mas lalo kang naging matatag at nakilala bilang malakas na babae. Marami mang sabihin ang iba, hayaan nalang ‘pagkat patuloy at patuloy dadaloy ang kanilang mga salita ngunit patuloy din ang pag-ikot ng mundo mo. Marami mang hindi makaintindi sa’yo, ang importante ay alam mo kung sino ang mga tunay na nakakikilala sa iyo bilang ikaw at hindi bilang sa pagkataong binuo ng mga bibig na may matatabil na dila. Sarili ang nakakikilala ng lubos sa sarili. Likas na sa iyo ang labis na magmahal at sa huli’y labis din na masasaktan. Siguro ang pagbitaw mo sa mga bagay-bagay ang naging sandigan mo upang di na maging paulit-ulit ang lahat, ang sakit, ang poot. Sabi mo nga’y “nagmamahal tayo pagkat tayo’y napopoot”. Pero kalian ka magmamahal ng hindi bumibitaw? Kailan ka rin hihinto bago pa magsimula. Mahalin mo rin ang iyong sarili sapagkat sa pagmamahal sa sarili dapat nagsisimula ang pagmamahal sa lahat.

 

Para kay D.

 

3:25 PM
5 May 2014
Opisina
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s