Tulog Na

HINDI ITO TULA.

Mula sa Tulog Na ng Sugarfree

 

Tulog na, mahal ko

Hayaan na muna natin ang mundong ito

‘Lika na, tulog na tayo.

 

Tulog na, mahal ko

Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama

Saka na, mamroblema

 

Tulog na, hayaan na muna natin sila

Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan

Kung matulog, matulog ka na

 

Tulog na, mahal ko

Nandito lang akong bahala sa iyo

Sige na, tulog na muna

 

Tulog na, mahal ko

At baka bukas, ngingiti ka sa wakas

At sabay nating harapin ang mundo

 

_________________________________________________________

 

At sa pagikit, sabay tayong tatakas

Sabay tayong lilisan sa mundong mapanghusga

Sasamahan mo ako’t gagabayan kita

Tayo’y tutungo sa mundong malaya at mapagpalaya

 

Sa ating pagdating ay lalasapin ang saya

Ikaw at ako’y magsasayaw sa ligaya

Nanamnamin ang ginhawa at lilimutin ang poot

Iwanan ang lahat bago dito’y tumungo

 

Walang sakit at pait ang iindahin

Tatahimik, mabubulag at mabibingi sa kanila

Masasangga ang mga kamalian sa mga sabi-sabi

Pumikit at huminga, hindi ka muling masasaktan

 

Ikubli ang buong takot

Hindi gagalaw at hindi ka iiwan

Ikaw ay kaya at tunay na ipaglalaban

Basta’t sa akin ay sumandal

 

Magtiwala, ako’y iyong kapitan

Hayaan lang ang kahapon maging ang bukas

Humiga ka muna at magpahinga

Bukas, pangako, magkasama tayong babalik.

 

Ngunit gaano man kahimbing ang iyong tulog, kapayapa ang iyong panaginip, kakailanganin mong gumising, dumilat at bumangon.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s