Monthly Archives: May 2014

Kalimutan Ang Lahat. Lumipad. Lumayo.

Isasara ko na ang kabanatang kumupas na sa buhay ko.

 

Malapit na akong huminto sa pagsusulat dito.

Balak ko nang talikuran ang lahat ng may bahid ng kalungkutan ko noon.

Itatago ko na sa sarili ko at sa iilang tao ang nararamdaman ko.

Bagong buhay. Bagong mundo. Bagong lahat.

 

“Kalimutan ang lahat, lumipad, lumayo”, ayon kay Bamboo. Hallelujah.

Advertisements

Pansamantalang Tatay

Dahil binigyan ako ng instant tatay ngayong bakasyon. “Daddy” parang tawag ko sa tunay kong tatay, pero ang kaibahan, mas tunay ito sa tunay.

_________________________
Allan Raul Raviz
Engineer IV
“Daddy”

Simula Ng Katapusan

Dahil kahit itatak man sa isip na, lilipas din ang lahat, mawawala… hindi maiiwasang kumapit at mapamahal sa ilang mga bagay at tao. Tatlong araw nalang, matatapos na. Aalis na ako sa opisinang bumuhay ng summer ko. Iniwasan ko na to, yung maging malapit sa lugar, sa mga bagay-bagay at lalo na sa mga tao, pero hindi nga naman napipigilan ang nararamdaman.

 

 Ngayon, paalam na. Hanggang dito nalang.

 

“Pag natapos tayo dito, di na natin mababalikan ‘to” paulit-ulit kong sinabi sa kanila, at tuwing sinasabi ko, pinatitigil nila ako dahil nalulungkot sila. Bigla kong naaalala na pag sobra ang kasiyahan namin, lagi nilang sinasabi “Oh masaya na naman ako, iiyak ako nito mamaya sa bahay” o di kaya “Hay mamimiss ko to”. Hindi ko lang maisagot sa kanila na…

 

Malungkot maging masaya. Pero masaya maging malungkot.

LIMUT

Limot.

Dahil may mga bagay na pinaniniwalaan kong hindi totoong naganap.

Ikinahon ko na rin ang mga ito.

Matapos ay itinapon.

 

Hindi na ako muling mumultuhin ng alaalang lumipas na.

Marahil ay kupas na ang mga ito.

Walang saysay dahil basura na ang lahat.

Hanggang dito nalang.

 

Maging ikaw.

Salamat sa panandaliang saya.

Noon, doon.

Wala na.

 

Sarili ang makapangyayari kung kaya’t…

Hindi ka naganap.

Walang “tayo” na nangyari.

Parang amnesia, parang short term memory loss, parang alzheimer’s.

 

Parang Eternal Sunshine of the Spotless Mind, pero hindi.

Beep Beep

“…haha glad to make you laugh”

 

Matapos iparamdam sa’yo ng mundo na basura ka sa iba, ipararamdam naman nito sa’yo na mahalaga ka sa mas nakararami. Ang sarap nga pala sa pakiramdam nito, na may natutuwang mapangiti ka ulit.

Dawn

Umaga na.

 

Ang ganda talaga ng langit.

Nag-a-agaw ang dilim at liwanag.

Naghahalo ang maiitim at mapuputing ulap.

 

Tila mga pangyayari’t emosyon.

Nag-a-agaw ang depresyon at kaligayahan sa loob ng sarili.

Naghahalo ang mga malulungkot at masasayang pangyayari sa buhay.

 

Salamat kagabi.

Nakabubusog ang kwento’t tawanan hanggang sa makatulog tayo.

Hanggang sa muli nating pagkikita’t pagsasama.

 

6:57AM
25 May 2014
Kwarto

Tanglu

Ang tagal na rin pala nang huli kong maramdaman to.

 

Pakiramdam kong lumulutang ako kasabay ng paggalaw ng kusa ng paligid. Yung paglalakad ng tabingi, yung pagtayo ng hilo ka na pala. Pakiramdam ko malaya ako. Nagiging matapang ako na tila kakayanin ko ang lahat. Kaya ko ring aminin, sabihin at iparamdam lahat.

 

Kwentuhan. Kwentuhan kasama ang Empoy, Kirei, Cheezy Jalapeño at Pineapple juice. Ngayon, kahit nakatulog na, medyo hilo pa rin ako. Pero malaya.

 

Salamat.

 

7:09AM
25 May 2014
Kwarto

Lilipas Din

Huling linggo na.

Hindi ko alam kung dapat bang maging masaya ako kasi tapos na ang hirap sa paggising ng sobrang aga at pag-limita sa oras ng pagtulog ko o dapat bang malungkot kasi matatapos na ang lahat dito.

Dati, wala akong takot sa pagiging malapit sa mga tao. Ni hindi ako nababahala kahit alam kong dumadaan lang ang karamihan sa buhay. Pero ito, simula palang naramdaman ko na. Sinubukan ko namang hindi ma-attach sa mga kasama ko at sa mga bagay-bagay sa opisinang to. Akala ko madali para sa’kin dahil ibang-iba naman sila sa mga kaibigan ko. Pero nagkamali ako.

Iniisip ko palang na matatapos na, parang naninikip na dibdib ko. Para kasi akong nakahanap ng instant na apat na tatay, isa pang nanay at anim na kapatid.

Natatakot akong matapos to dahil alam kong pag dumating na to sa hangganan, wala nang balikan. Wala nang rewind, repeat o extend.

Sa mga nangyari, at dagdag pa ito, ngayon natatakot na akong maging malapit sa mga tao’t bagay na alam kong lilisan din, dadaan lang at mawawala.

Angat

Tapos pakiramdam mo ang tanga-tanga mo dahil napapaniwala ka sa isang kasinungalingan.

Hulog na hulog ka naman.

Ngayong nauntog ka na, lumipad ka naman.

Umangat.

Pinakamalalim Na Tarak

Mayroong nagtanong sa akin dati, ano daw ang pinakamasakit. Hindi ko masagot dahil hindi ko rin talaga malaman sa sarili ko kung ano ba sa mga emosyon ko o sa mga nangyari ang pinakamatindi. Litong-lito ako. Napaisip. Ano nga ba?

 

At sa panahong lumipas na ang ilan sa mga nagdudulot ng pait sa sarili, at lumiban na ang mabababaw na sugat, ang mananatili ay ang pinakamalalim na saksak.

 

Yung maging pagkakamali ka para sa isang tao. Yung halos isampal sa pagmumukha mo na sana hindi ka nangyari, na tila di ka dumaan sa buhay niya. Yung kulang nalang ipagsigawan sa mundo na wala ka sa kanya…

 

…habang sa kabilang ibayo ay naroon ka, naiwang ubos. Ubos na ubos na dahil naibigay mo na ang lahat.