Society

June 21, 2013

Maliwanag na medyo madilim, dilaw ang kulay ng mga ilaw. Naggagandahan at nagagwapuhan noon ang mga taong sa gabing iyon ay tatanggap sa amin, magpapahirap ngunit mas magmamahal.

Matapos ang palatuntunan ay nagkalat ang mga papel na may mga katanungan. Ang sunod ko nalang nalaman ay nagpipirmahan na. Wala akong bahid noon ng pagdadalawang isip subalit naroon ang kaba dahil alam kong sa gabing iyon magbabago ng lubos ang buhay ko.

Tinakot, pinahirapan at pinaiyak nila ako, kami. May mga sumuko sa hamon at hirap pero may mga talagang nagtagumpay. Labintatlong katao sa semestreng iyon. Saktong Hulyo 21, 2013 nagsimula ang pagbabago.

Hinamak nila kami at sinira. Bagamat ito ang ilan sa mga bagay na hindi maintindihan ng nakararami. Sa ganito kami tumatag, lumakas at tumalas. Sa ganito kami mas nahasa. Winasak kami ngunit mas binuo kami. Parang bagong silang. Parang bagong sanggol.

Hindi ko alam noon na ang mga taong naging anghel at nagmukhang demonyo ang mga nilalang na minahal ko ng lubos. Sila yung mga taong tumanggap sa’yo kahit sino o ano ka pa. Sila yung magtuturo sa’yo. Oo, hindi man sa mga leksyon sa pamantasan ngunit sa mga leksyon ng buhay at lipunan. Sila pala yung mga taong magpupuno sa’yo at ikaw pala ang magpupuno sa kanila. Filling in the gaps. Mas tumitibay kayo. Itinitayo ng bawat isa ang kapwa. Sa pagkilala ko sa kanila nakita ko ang epitomiya ng pamilya.

Noon, gustung-gusto ko talaga makapasok o makasali sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Bago pa man ako tumakbo sa konseho, alam ko nang ito ang gusto ko. Sabi ko noon, hinding-hindi ako susuko. Hindi ako sumuko. At mabuti nalang na hindi sapagkat alam kong di ko mahahanap sa iba ang nahanap ko dito. Malalim na pagkilala sa mga kapatid. Malalim na pinanghahawakan sa pamilyang ito. Malalim na pagtingin sa mga bagay-bagay. Malalim na pagmamahal.

Salamat at di ako sumuko. Salamat sa inyo, sa lahat. Kayo ang malaking bahagi na bumuo sa akin kung sino ako ngayon.

Amuyong palang ako, mahal ko na ang pamilyang ito.

Kaya naman ngayon, walang duda,walang pagdadalawang isip kong nabibigkas at naisisigaw na…

I LOVE DEVCOMSOC!

Karen Lou S. Mabagos
Ishin-Denshin ’13

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s