Buhay-Bahayan

Paano kung mas maaga ka niyang nakilala? Paano kung sa simula, ikaw na?

Siguro wala ako, wala sila, wala kami. Siguro nasa ibang pagkatao kami. Ibang tao ako. Iba rin ang itsura ko. Saan kaya tayo nakatira? Ano kayang mga talento ko? Ano kayang mga hilig ko? Paano kaya ang buhay natin?

 

Sana mas maaga ka niyang nakilala.

Minsan hinihiling ko na mas maaga kayong nagtagpo, sa simula pa lang. Siguro wala kami, pero malamang nasa ibang katawan kami, nasa ibang pagkatao. Siguro mas maunlad ang buhay. Siguro mas masaya siya. Siguro mas masaya ka. 

 

Ang daming magiging pagbabago.

Magiging buo siguro tayo.

 

Pero masaya ako ngayon, hindi ko ramdam na may kulang. 

Sapat na sa’kin ang lahat.

Yun nga lang, paano kung?

 

Para Kay Tito Joey.

Paano kung mas maaga kayong nagkakilala?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s