Saliw-Aliw

Isang pikit para hindi makita ang pait.

Isang hampas para sa sakit na kumukumpas.

Isang luha para di na mabahala.

Isang hinga at h’wag maging tanga.

 

Tatango na lang ba sa bawat utos?

Magkikibit-balikat na lang ba sa bawat tanong?

Hanggang kailan, hanggang saan?

Hanggang saan, hanggang kailan nga ba ganito?

 

Ngingiti, tatawa sa tuwing kakamustahin.

Sisimangot, iiyak sa tuwing aalalahanin.

Tapos na sa pagmumukmok.

Tama na sa mga himutok.

 

Lulundag, iikot, sasayaw sa musika.

Aaliwin ang sarili sa sayang nakalalasing.

Matapos doon ay makakalimot sa bagay na masalimuot.

Mahihilo at hihinto, muling ngingiti at tatawa.

 

Ang saya, ang simple.

Malulungkot ngunit sasaya.

Hihinga, ilalabas ang sama ng loob.

Titingala at matutuwa.

 

Hindi ito tula. Hindi ako marunong magsulat ng tula.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s