Masaya Ako

Iba itong kasulatang ‘to. Magsusulat ako ngayon kung gaano ako kasaya.

Simula ng umalis ka, ngayon nalang ulit gumaan ang pakiramdam ko ng ganito.

 

Magsusulat ako ngayon kung gaano ako kasaya.

Tunay na ngiti na may halong galak at tawa na.

 

Hindi ko alam kung mali dahil Biyernes Santo pero masaya ako.

Gumising ako ng magaan ang loob at may ngiti sa labi.

 

Napanaginipan ko siya, alam mo ba.

Nag-ngitian daw kami habang hinihintay mo siya sa mesa ninyo.

 

May kaunting kurot pero mas lamang yung tuwa.

Siguro dahil may pagtanggap.

 

Sabi ko noon sa’yo tungkol sa kanya “Acceptance is the key.”

Naisapraktika ko ito ngayon.

 

Siguro tama si Gem.

Pangitain ito ng mga bagay-bagay.

 

Pangitain ito na tanggap ko na, kayo man o hindi.

Basta wala ka na sa akin, ayos na ako doon.

 

Siguro kaya sobrang saya ko ngayon dahil naile-let go na kita.

Siyempre hindi pa buo, pero malapit na.

 

Iniwanan kita ng mensahe sa iba’t ibang paraan, pero iba ngayon.

Iba dahil sabi ko wag mo akong sagutin.

 

Panibago sa’kin na hindi ako naghintay ng sagot mo.

Basta mabasa mo o makarating sa’yo, yun ang mahalaga.

 

Masaya ako.

Siguro mas masaya ako ngayon dahil wala ka na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s