At Sa Hinaharap

Kalmado pero kinakabahan.

Magkahalo yung nararamdaman ko. Parang init at lamig na naghahalo sa labas at loob ng katawan ko. Nakahiga tayo sa damuhan, nakatitig sa kalangitan. Napakaganda talaga ng langit. Iba yata ang ningning ng mga bituin ngayon, mas matingkad, mas maganda. May mga dilaw o medyo kahel na ilaw sa paligid ng napakalaking parkeng ito pero hindi ito nakagagambala sa pagtitig natin sa kalangitan. Tahimik ang paligid. Ang katahimikang iyon ang nagsisilbing tugtog sa paghiga nating ito sa ilalim ng kalawakan. Magkatabi tayo. Magkadikit ang mga braso natin. “Parang wala nang mas gaganda sa kalangitan.” Tiningnan mo ko pero hindi ka umimik sa sinabi ko. “Meron pala, ang dagat.” Nakatitig ka pa rin at walang imik. “Kung magaling lang ako sa arts, siguro magpipinta ako at magpipinta ng dagat, ng langit, ng cliff, ng mga bagay na makikita ko kung nasa mataas akong lugar. Kaso hindi ako marunong.” Sa pagkakataong ‘to, sumagot ka. Lumapit ang mukha mo sa akin at bumulong “Hindi mo kailangang maging magaling magpinta, ang kailangan mo ay yung taong marunong magpahalaga sa ‘art’ na nagawa mo.” Sa sinabi mong ‘yon, nanlamig ang kamay ko ngunit hinawakan mo. Napapaling ang ulo ko sa kanan para tingnan ka. Nagkatitigan lang tayo ng halos tatlumpung segundo. Ngumiti ka. Hinawakan mo ang kaliwang bahagi ng ulo ko. Lumapit ka pa. Napapikit ako. At ang susunod ko nalang na naramdaman ay ang labi mo. Hindi na natin kailangang magsalita, dahil sa mga tingin at pakiramdam pa lang ay nagkakaintindihan na tayo. Mas malakas pa yata ang tibok ng mga puso natin kesa sa mga hinga natin. Doon, alam kong hindi ko na kailangang magsalita. Na for once, may nakakaintindi sa’kin sa katahimikan kong ‘yon.

 

Sa takdang panahon.

Sana.

Ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s