Now Playing

LSS?

Parang mga tao lang sa buhay mo ang mga kanta sa playlist mo.

May mga kantang matagal nang nandyan, gaya ng mga taong matagal mo nang kakilala at may mga kantang kakadownload mo lang parang mga taong kailan mo lang nakilala. May mga kantang pag nagpe-play, finoforward mo, Next o Skip. Ito yung mga kantang ayaw mo nang marinig pa tulad ng mga taong ayaw mo pa/nang/munang makita. May mga kantang paulit-ulit mong pinatutugtog, mga kantang hilig mo, parang mga paborito mong tao sa buhay mo. May mga kantang sobrang mainstream na tila kinakanta ng lahat ng taong may boses at pandinig, gaya ng mga taong kilala mo na kaibigan ata ng lahat. Syempre, nandyan din yung mga kantang parang ikaw lang sa buong mundo ang tunay na nakakaalam. Ito naman yung mga best friends mo, BFF, bhestie, bhez, bes at kung ano pang tawagan. Mayroon man silang mga ibang kaibigan, kayo-kayo lang din ang tunay na nakakaintindi sa isa’t isa. May mga kantang nakapagpapasaya sa’yo, nakapagpapalungkot, nakapagpapagalit at iba pa na kawangis ng mga taong nagdudulot ng iba’t ibang emosyon sa’tin. May mga kanta rin namang dinedelete mo sa playlist na to, dahil tila ayaw mo na silang marinig pa gaya ng mga taong pinipilit mong kalimutan. Ngunit sa lahat ng uri ng mga kantang ito, mayroon at mayroong isang kanta kung saan ka mae-LSS o Last Song Syndrome. Yun bang kahit hindi mo sinasadya eh nakakanta mo pa rin. Yun bang kahit na gusto mo nang tigilang kantahin o isipin ay hindi mo pa rin magawa? Parang mga tao sa buhay mong gusto mo ng kalimutan. Na halos lahat ng bagay ay gawin mo na mawala lang siya sa puso at isipan mo.

 

Pero kahit ano man ang kantang kina-e-LSS-an mo, tandaan mo palaging matatapos din ito. Minsan mang bumalik, matatawa ka nalang. Ang importante eh, mayroong kantang darating diyan at mas magugustuhan mo. Siguro hindi pa naisusulat, o nalalapatan ng musika, o hindi pa nailalabas. Hindi mo kailangang hintayin o hanapin, i-enjoy mo lang muna pakinggan yung mga nais mong kanta ngayon o ang Now Playing. Lagi namang may Back, Next, Pause, Stop, Play, Shuffle/Loop, Repeat at Delete buttons sa playlist mo eh. Ikaw nalang ang bahala kung ano ang gusto mong pindutin. Nasa sa’yo pa rin ang desisyon.

 

PS: Kung hindi man dumating ang kantang mas magugustuhan mo kesa sa mga kantang nahiligan mo noon at ngayon, ikaw na ang magsulat ng panibago at lapatan ito ng musika kung masyado nang patay at nakasasakit ang mga kanta sa playlist mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s