Bitiw Kapit Bitiw

Tick tock.

 

Hindi ko alam ang eksaktong oras noon,

Pero sigurado akong wala pang ala-una ng hapon.

Sigurado ako dahil nakatitig ako sa orasan noon.

Nagi-isip.

 

Patay na halos lahat ng ilaw.

Bahagya akong giniginaw sa aircon ng opisinang ito.

Patay ang mga ilaw dahil sa “Lights Off” protocol.

Tahimik na at madilim ang paligid.

 

Panandaliang natutulog ang mga empleyado,

Samantalang ang iba ay patuloy na nagtatrabaho.

Ako, nagsalpak ng earphones.

Pumikit.

 

Downtown, I found myself calling in my very own white-washed breathing space…

 

*Tok tok tok

Biglang tumunog ang cellphone ko.

May text.

Isang minuto ata akong nakatulala.

 

Ikaw pala.

Natuwa ako at nainis.

Natuwa ako kasi doon ko narealize na madalang na pala kitang isipin.

Nainis ako dahil kung kailan di na kita masyadong naaalala ay doon ka pa nagparamdam.

 

Buntong-hininga.

Ngayon, nagsusulat na naman ako ng tungkol sa’yo,

Habang ikaw nagsusulat tungkol sa kanya.

 

Minsan sobrang hirap kasi di ko mapigilang sumilip sa accounts mo.

Sana hindi mo na nasusundan tong blog ko.

Kaya nga ako nagpalit ng url.

 

Masakit pa rin.

Pero mas umo-okay na ako.

Malapit na akong sumaya ng tuluyan at totoo.

 

Sana lang hindi ko na nararamdaman to.

Yung pakiramdam na parang isang malaking pagkakamali lang ako sa’yo.

Pakiramdam na naramdaman ko dahil sa mga salita mo, dahil sa mga sinasabi mo.

 

Mahal na mahal kita, pero sana hindi na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s