Tunay Na Ngiti

Nagising na naman ako at hinanap kita. Oo nga pala, wala na.

Minsan talaga may mga pagkakataong gigising ako at malilimutang wala ka na. Hinahanap kita. Yung pakiramdam noon tuwing gigising ako sa alarm kong kinabubuwisitan mo at katabi ka. Pero bihira na lang ‘yun. At masaya ako dahil doon. Hindi na sing-dalas noon ang pagi-isip ko sayo ngayon. Siguro nakatutulong din ang trabaho ko. May mga sandali lang talagang di maiiwasan na mahihinto ako, mapapatitig at tatangayin ng hangin ang diwa ko.Parang may rewind sa utak ko. Flashback ulit lahat. Mahirap kasi masakit. Kumbaga sa sugat, hindi pa nagla-langib yung sa akin. Medyo patuyo palang kaya mas mahapdi. Pero ngayon, masasabi kong mas sumasaya ako habang lumilipas ang mga araw. Unti-unti na kitang nakalilimutan at hindi na masyadong tumitingin sa account mo. Wala ka rin namang pakialam sa kung napano na ba ako pagkatapos kaya yun din dapat ang maramdaman ko.

Pag labasan na sa opisina, tinitignan ko ang mga tao sa Maynila at iniisip kung ano kayang tipo yung makakasama ko talaga sa paglipas ng panahon. Sa biyahe, napapangiti ako, tunay na ngiti. Naiisip ko kasi na mabuti na rin pala na umalis ka. Hindi tayo nagkakatugma. Pero malaking pasasalamat pa rin sayo sa mga bagay na itinuro mo sa akin. Minsan mo na rin akong tinuruan i-enjoy ang buhay. Mas lumawak ang pagtingin ko sa mga bagay-bagay. Ngunit hindi pa rin nito matatakpan ang lahat ng sakit na naidulot mo. “Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat….?” sabi nga ni Armi. Pero gayunpaman, hinayaan kitang magsulat sa buhay ko kung kaya’t bahagi ka ng kung magiging ano o sino ako. At sana pagdating ng panahon na handa na tayo pareho, bumalik yung pundasyon na naitatag natin. Bilang brod at sis na lang nga kasi kung higit pa doon, kung babalik sa “pagpapakilala” mo, baka maging ephemeral at fleeting lang ulit. Sa bagay, sino nga naman ba ang makapagsasabi diba?Pasensya na kung maraming bagay na ang nahihirapan akong paniwalaan sayo.

Basta isa ka lang pahina sa tickler ko. At ang mga leksyon na naisulat mo ay tatatak at tatatak sa tickler kong to. Hindi ko naman pupunitin ang pahina mo, ililipat ko lang ng pahina ang tickler ko.

Hindi mo kailangan ng katapat. Mas kailangan mo ng taong kaya at handang maging mas mababa sayo. Siguro.
Kaya di tayo nagkakatugma, kasi sabi mo nga at sabi nila, nakahanap ka ng katapat sa akin.
Alam kong masaya ka na.
At hindi ko naman balak pang hadlangan yan.

Basta ngingiti ako at sasaya. 

Spread love and good vibes ~

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s