MNL

Alas singko ng hapon.

Labasan na ng mga empleyado mula sa kani-kanilang mga opisina. Paspasan na naman. Rush hour. Lahat ng tao at bagay ay mabilis na kumikilos. Bus, cab, fx, van, tricycle, dyip, bisikleta. Samu’t saring mga sasakyan, samu’t saring mga mukha. Ang bilis talaga ng oras sa Maynila. Pag natanga ka ng kahit saglit, maiiwanan ka sa buhay na parang naka-fast forward.

“Oh Imus! Imus!”, sigaw ng barker o dispatcher o kung anumang tawag nila sa kanila. May tatabing fx mula sa rumaragasang daloy ng sasakyan. Buendia, SM Baclaran, Imus, MOA, iba-ibang mga karatula para sa mga taong iba-iba rin ang destinasyon tulad ng buhay nila, kanya-kanyang paroroonan. Nagkakandarapa na katatakbo ang mga nais makasakay sa siksikang sasakyan. Walang patawad, matanda, bata, babae, lalaki, mukhang mayaman, simple, basta halos magpatayan makasakay lang. “Oh ano, napagod ka lang katatawag (ng fx) at kapapasakay? Sabi ko sa’yo, pag di siya (kaagaw nilang barker) nakatingin, tsaka ka tumakbo”, sabi ng ina sa anak niyang lubos ring nagsusumikap kumita.

Iba talaga ang siyudad. Iba ang Manila. Kung sa trapiko makikita ang emosyon ng mga tao, sa agawan ng masasakyan makikita ang kanilang mga buhay. Mabilis. Masikip. Magulo. Pero kahit ayaw ng karamihan sa Manila, tila pinipilit pa rin nilang mahalin ito para kumita at mabuhay. Masuwerte ako na sa gitna ng chaos na ito ay natitigilan pa ako, nakatititig sa mga puno at nakapagi-isip ng ganito. Sayang ang buhay kung lahat ay idadaan sa paspasang ganito. Puwede namang huminto, tumingin sa malayo at huminga.

Hinga, kapatid. Mababaliw ka niyan.

5:37PM
07 Apr 2014
Port Area, Manila
Dirty MNL

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s