Sumakay Ako Sa Dyipni

Isang huling push.

Isinauli ko na ang lahat sa’yo, gamit mo, mga damit mo, pati sana yung mga alaala pwedeng isauli. Sa huling pagkakataon, naghintay ka sa labas ng apartment. Paglabas ko, “Tangina, nagulat ako sayo”. Parang kailan lang, sinundo mo rin ako para mag-hangout at mag-bonding. Parang kailan lang, naghintay ka doon ng isang oras. Parang kailan lang. Ulit. Inabot ko sa’yo ang dalawang t-shirts mo na naiwan sa’kin dahil isinuot ko noong sa inyo pa ako natutulog. “Tara sakay na tayo.” Bakit mo ko sasabayan, malaking-malaki pa ang atraso mo sa’kin at isang araw pa lang ang nakakalipas. Hintay, hintay, hintay. Naghihintay ng “SM Crossing Calamba” na jeep sa ilalim ng tirik na araw. Sa pagtapak ko sa tuntungan ng jeep, bumalik sa’kin ang lahat. Dati, sinasabayan mo ako pauwi ng Sta. Rosa dahil pupuntahan mo siya. Hindi pa tayo nagsisimula noon. Ngayon, tapos na tayo. Magkatabi. Nagpapaka-cool ka na naman na parang wala lang, na parang ayos ang lahat, na ayos tayo. Pilit kang nagpapaka-perky pero ang sagot ko sa mga tanong mo, bilang na bilang na mga salita lang at ngiti. Inayos mo ang damit ko sabay bulong “Wag kang yuko ng yuko ha, wag ka ring bubukaka, sige ka mangagamoy yan”. Binibilinan mo ba ako para baunin yan sa pag-alis mo? Hindi na. Wag na. “Hindi naman ako naka-shorts o palda”, tugon ko. Sabi mo kahit na. Ang tagal nating natahimik. Nakasilay lang ako sa labas at ninanamnam ang dampi ng hangin sa balat ko. Nagsalita ka na naman “Di ka nagpabango”, sabay bulong “yuck amoy lang pala habol, weirdo ko talaga”.”Nakalimutan ko, dami kong inayos eh.” Di nagtagal nakarating na tayo sa bababaan mo. Kumamay ka at bumaba. Hindi na kita muling tinignan sa mukha. Ni hindi na nga kita nilingon pa. Sabay salpak ng earphones at soundtrip.

 

“Paalam sa’ting huling sayaw, may dulo pala ang langit.”

 

Nasaan na ba ako? Malayo na ako sa binabaan mo ah. Pero may naaamoy pa rin akong ganito. Amoy mo. Hanggang Calamba pakiramdam ko kasama kita. Katabi. Para mo kong minumulto.

 

Sana sa pagbaba mo ng jeep, dinala mo na lahat. Amoy mo at alaala. Lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s