Monthly Archives: April 2014

Titingala at Susulat

Hindi palaging maganda ang buwan pero palaging maganda ang langit.

Susulat ako dahil maganda ang langit.
Susulat ako para sa mga bituin na nagniningning sa kalawakan.
Susulat ako para sa mga konstelasyon na binubuo nito.
Susulat ako para sa buwang nagi-iba-iba ng hugis hudyat sa panahon.
Susulat ako sa mga maya’t agila na ang tahanan ay himpapawid.
Susulat ako sa mga sunflower na sa langit ay tumitingala.
Susulat ako sa mga paniki at kwago na sa gabi ay nagmamatiyag.
Susulat ako sa araw na nagbabahagi ng kaliwanagan nito.
Susulat ako sa mga ulap na tila abot-kamay ko na.

Kung mayroong pinakamagandang pagmasdan sa likas na likha, ipaling ang ulo sa taas, dumilat at huminga.
Minsan nakaluluha ang kayumihan, minsan nakakakaba ang karikitan.
Langit. Alapaap. Himpapawid.

Instant

Instant mami. Instant messages. Instant coffee. Instant crush. Instant ‘lovelife’. Instant happiness. Instant deypreysyown.

 

Halos lahat na ngayon instant, kahit kalungkutan, kahit depresyon. Taragis.

ˌme-tə-ˈmȯr-fə-səs

Pakiramdam ko, bagong tao ako. Pakiramdam ko, bagong silang ako. Hindi ko maipaliwanag pero parang kakaiba na lahat, ngunit may mga natira pa naman.

Maraming pintuan ang nagbukas.
Maraming bagong tao ang nakilala.
Maraming bagong magsusulat.
Maraming natutunan.

Para akong binigyan ng bagong buhay. Hindi ko alam kung bakit ganito lahat. Isa lang ang masasabi ko, ngayon sigurado na ako. Okay na ako. Masaya na ako.

BENTA

May tinitinda ako.

Noon, may suki ako.

Palagi siyang bumibili at siya lang hinihintay ko.

Pero ang mga mamimili, dumarating at umaalis din.

Nasanay akong wala na ang suki ko.

Ayaw ko na ring magtinda.

Nakakapagod din kasi pala.

Pero ngayon, kung kailan ako nagsara ng tindahan,

Tsaka naman nagkaroon ng pila.

Gusto kong magpahinga.

Kaya sinara ko na ang tindahan ko.

Kaso biglang maraming bumibili.

Society

June 21, 2013

Maliwanag na medyo madilim, dilaw ang kulay ng mga ilaw. Naggagandahan at nagagwapuhan noon ang mga taong sa gabing iyon ay tatanggap sa amin, magpapahirap ngunit mas magmamahal.

Matapos ang palatuntunan ay nagkalat ang mga papel na may mga katanungan. Ang sunod ko nalang nalaman ay nagpipirmahan na. Wala akong bahid noon ng pagdadalawang isip subalit naroon ang kaba dahil alam kong sa gabing iyon magbabago ng lubos ang buhay ko.

Tinakot, pinahirapan at pinaiyak nila ako, kami. May mga sumuko sa hamon at hirap pero may mga talagang nagtagumpay. Labintatlong katao sa semestreng iyon. Saktong Hulyo 21, 2013 nagsimula ang pagbabago.

Hinamak nila kami at sinira. Bagamat ito ang ilan sa mga bagay na hindi maintindihan ng nakararami. Sa ganito kami tumatag, lumakas at tumalas. Sa ganito kami mas nahasa. Winasak kami ngunit mas binuo kami. Parang bagong silang. Parang bagong sanggol.

Hindi ko alam noon na ang mga taong naging anghel at nagmukhang demonyo ang mga nilalang na minahal ko ng lubos. Sila yung mga taong tumanggap sa’yo kahit sino o ano ka pa. Sila yung magtuturo sa’yo. Oo, hindi man sa mga leksyon sa pamantasan ngunit sa mga leksyon ng buhay at lipunan. Sila pala yung mga taong magpupuno sa’yo at ikaw pala ang magpupuno sa kanila. Filling in the gaps. Mas tumitibay kayo. Itinitayo ng bawat isa ang kapwa. Sa pagkilala ko sa kanila nakita ko ang epitomiya ng pamilya.

Noon, gustung-gusto ko talaga makapasok o makasali sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Bago pa man ako tumakbo sa konseho, alam ko nang ito ang gusto ko. Sabi ko noon, hinding-hindi ako susuko. Hindi ako sumuko. At mabuti nalang na hindi sapagkat alam kong di ko mahahanap sa iba ang nahanap ko dito. Malalim na pagkilala sa mga kapatid. Malalim na pinanghahawakan sa pamilyang ito. Malalim na pagtingin sa mga bagay-bagay. Malalim na pagmamahal.

Salamat at di ako sumuko. Salamat sa inyo, sa lahat. Kayo ang malaking bahagi na bumuo sa akin kung sino ako ngayon.

Amuyong palang ako, mahal ko na ang pamilyang ito.

Kaya naman ngayon, walang duda,walang pagdadalawang isip kong nabibigkas at naisisigaw na…

I LOVE DEVCOMSOC!

Karen Lou S. Mabagos
Ishin-Denshin ’13

Paslit

Sa tapat ng Manila Times.

Bandang ala-singko y media.

 

Karay-karay mo ang napakaliit na chikiting.

Kapatid mo ba siya?

Siguro nga.

 

Hawak mo ang kamay niya habang binabaybay ninyo ang Maynila. Tila sa tabi ng kalsada kayo naninirahan. Nasaan na kaya ang mga magulang ninyo? Malamang ay naghahanapbuhay rin. Kitang-kita ang mga tanong at pag-asa sa inyong mga nangungusap na mata. Halata sa inyong mga kilos at lakad ang pagod na nadarama. Anong oras pa kaya kayo nagsimulang maglakad at mag-ikot para sa inyong ikabubuhay? Hanggang anong oras naman kaya kayo maglalakbay?

 

Ngayon, mga paslit pa lamang kayo. Ikaw ang humahatak sa kamay ng nakababata mong kapatid na babae. Ikaw na siyang kanyang “kuya”. Pagpaling ng aking ulo sa inyo ay tila nakita ko agad ang inyong hinaharap. Ang paghatak mo sa kanya ngayon ay tulad ng magiging paggabay mo sa kanya sa inyong pagtanda. Sa hirap nga naman mamuhay ngayon sa mundong ito, kayo-kayo nalang din ang magtutulungan.

 

Isang tanong ang bumabagabag sa akin noon pa man. Noon pa, bago ko pa kayo madatnan. Paano kaya ang buhay ng mga pamilyang sa kariton lang nakatira? Yung mga mayroong bahay na gawa lamang sa karton at iba’t ibang mga basura. Eh paano naman kaya ang mga gusgusing musmos na sa gilid ng daan namumuhay? Hindi ba magiging siklo lang ang larawang ito sa mga susunod pa nilang henerasyon? Hindi naga-aral dahil hindi makapag-aral. Hindi sila makahahanap ng matinong hanapbuhay kung ganoon. At ano lang ang kanilang alam? Kung ano din ang kayamanang leksyon na maituturo ng kanilang mga magulang.

 

Ang dami ko na namang shit sa mundo. Nakakita lang ako ng batang hatak ang kapatid niyang mas bata na babae, kung anu-ano na naman ang naisip ko. Pero paano nga? Bata, bata, paano ka ginawa?

 

Paslit, sa mundong ito’y ika’y pumuslit.

Two Seven Five

Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, Stat!

Luha, tawa, antok, galit at saya.

At sa lahat ng hinagpis na ‘yun,

Salamat ♥

 

Tuesday-Thursday 12NN-1PM

Wednesday 10AM-1PM ; Physci

 

PS: Salamat Sir Rocky! U ROCK!

Hatid

Sa tuwing naiisip ko ang kasal, isa lang ang pinaka-nakakabahala sa’kin.

 

Hindi ko iniisip kung anong kulay ang motif nito.

Hindi ko iniisip kung sino ang mga imbitado.

Hindi ko iniisip kung sino kaya ang mga ninong o ninang.

 

Maaaring minsan naiisip ko kung saang simbahang Katoliko.

Maaaring minsan naiisip ko kung saan ang reception.

Maaaring minsan naiisip ko kung anong itsura ng gown ko.

 

Alam kong gusto ko ng mahabang lalakaran.

Alam kong gusto ko ng mahabang belo.

Alam kong gusto kong medyo vintage ang theme.

 

Ngunit ang pinaka-nakababahala talaga sa akin ay hindi kung sino ang maghihintay sa dulo ng aisle.

Sa halip, mas iniisip ko kung sino kaya ang maghahatid sa akin patungo sa taong iyon na naghihintay.