Para kay IMH

Image

 

Nandito ka naman. Isang text lang nila sa’yo, mas mabilis ka pa sa alas kwatrong dumating dito. Kahit naiwanan kita ng limang buwan, hindi pa rin ‘yon naging dahilan para kalimutan mo ako. Di ka pa rin nagbabago, andiyan ka pa rin. Ano nga naman ba ang limang buwan sa limang taon? Limang taon na kitang kasama, sa kalokohan, kapalpakan, kasiyahan at kahit sa kalungkutan. Pangalawang beses na ito. Isang taon ang nakalipas at ang wasak na ako rin ang nakita mo. Ngayon, ganon na naman ang matutunghayan mo. Sa Linggo o sa Lunes, magkikita na naman tayo at malamang iiyakan na naman kita. Malamang gusto mo na akong ihulog sa bangin sa katigasan ng ulo ko. Pero alam ko namang sa kabila ng pang-a-asar mo, nandoon yung di maipaliwanag at di masukat na pag-a-alala at pang-unawa. Hindi ka napapagod. Palaging kang nandiyan. Daig mo pa nga sila eh. Kahit kailan ay hindi ka sumablay sa pagpapatawa sa’kin lalo na sa mga panahong sobrang sakit ng kalooban ko. Sa Linggo o sa Lunes, aalis tayong dalawa, lalayo sa kanila at alam kong pagagalitan mo ko, babatukan o aasarin pero sa’yo ramdam ko ang halaga ko. Halaga at pagmamahal. Pasensya sa mga pagkakataong nawala ako sa’yo. Pasensya sa limang buwan na ‘yun. Pero alam mo namang hindi kita nakakalimutan, hindi lang talaga ako nakapagpaparamdam.

 

Ikaw at ang sasakyan mong palaging handang sumugod dito.

Salamat sa’yo, sa inyo.

Salamat dahil naging Best Friend kita.

Salamat Bhez.

 

Para kay Ivan Dalida

3 | 31 | 14

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s