Imahe

Sa dilim may nakatitig.

May nakatitig sa’kin at tila nangungusap ang kanyang mga mata. Parang nakita ko na siya dati. Pamilyar. Kilala ko ata. Pero parang hindi.

Lumalapit siya. Papalapit. Unti-unting lumalapit. Malapit na siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko’t tumatayo ang aking mga balahibo. Nakakatakot. Nakakakaba.

Kaharap ko na siya nang malapit na malapit. Kumunot ang noo ko. Hindi na siya gumagalaw ngunit nakatitig pa rin.

“Sino ka’t anong pakay mo?”, imik ko. Bumuka ang bibig niya at nagsalita. Nagsalita siya pero mahinang-mahina ang boses at sa lenggwaheng hindi ko maintindihan.

Hinawakan niya ko sa braso na parang nananaghoy. Nanghihingi ng tulong. Pahigpit ng pahigpit ang kapit niya. Masakit na. Nang biglang may tumulong luha mula sa kanyang kaliwang mata.

Humihigpit pa rin ang kanyang kapit na parang wala nang dugong dumadaloy sa ugat ko. Sobrang sakit na. Palakas ng palakas ang tulo ng luha niya’t pabilis ng pabilis ang pagsasalita. Parang sasabog.

Hanggang sa isang kisapmata…
Nawala siya. Lumingon ako pero wala na. Wala na siya. Ilang segundo pa ang nakalipas at nanlaki ang mata ko’t parang nahulog ang puso.

Kilala ko na siya.
Kilala ko na ang lumapit sakin at humingi ng saklolo.

Ako.
Sarili ko pala yun.
Nagpaparamdam sakin ang dating ako.

06 Mar 2014
7:04 PM
Freedom Park, UPLB

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s