Monthly Archives: March 2014

Darb

Sana nakagapos nalang ako nang

matigil na ang pag-contact ko sa’yo at

sana maturuan ko ang utak ko na

wag kang isipin.

 

Sobrang sakit pa rin pala ng

lahat ng nangyayari ngayon habang

nagmamatiyag ako ng

malayong-malayo sa’yo.

 

Sana hindi nalang nangyari ang

lahat simula noong

isang gabi na nagkaroon ng

ganap sa inyo.

 

Wala naman akong ibang

hiniling sa’yo kundi

ang magpakilala sa’kin bilang

brod ko.

 

Sana kung tinuruan mo ako na

mahulog sa’yo ay

sana turuan mo rin akong sanayin sarili ko na

makita ka bilang brod.

 

Bilang brod nalang, at hindi na bilang ex.

Para kay IMH

Image

 

Nandito ka naman. Isang text lang nila sa’yo, mas mabilis ka pa sa alas kwatrong dumating dito. Kahit naiwanan kita ng limang buwan, hindi pa rin ‘yon naging dahilan para kalimutan mo ako. Di ka pa rin nagbabago, andiyan ka pa rin. Ano nga naman ba ang limang buwan sa limang taon? Limang taon na kitang kasama, sa kalokohan, kapalpakan, kasiyahan at kahit sa kalungkutan. Pangalawang beses na ito. Isang taon ang nakalipas at ang wasak na ako rin ang nakita mo. Ngayon, ganon na naman ang matutunghayan mo. Sa Linggo o sa Lunes, magkikita na naman tayo at malamang iiyakan na naman kita. Malamang gusto mo na akong ihulog sa bangin sa katigasan ng ulo ko. Pero alam ko namang sa kabila ng pang-a-asar mo, nandoon yung di maipaliwanag at di masukat na pag-a-alala at pang-unawa. Hindi ka napapagod. Palaging kang nandiyan. Daig mo pa nga sila eh. Kahit kailan ay hindi ka sumablay sa pagpapatawa sa’kin lalo na sa mga panahong sobrang sakit ng kalooban ko. Sa Linggo o sa Lunes, aalis tayong dalawa, lalayo sa kanila at alam kong pagagalitan mo ko, babatukan o aasarin pero sa’yo ramdam ko ang halaga ko. Halaga at pagmamahal. Pasensya sa mga pagkakataong nawala ako sa’yo. Pasensya sa limang buwan na ‘yun. Pero alam mo namang hindi kita nakakalimutan, hindi lang talaga ako nakapagpaparamdam.

 

Ikaw at ang sasakyan mong palaging handang sumugod dito.

Salamat sa’yo, sa inyo.

Salamat dahil naging Best Friend kita.

Salamat Bhez.

 

Para kay Ivan Dalida

3 | 31 | 14

Farhampton

CAM00926
Inuulan na naman ang eLBi ng mga bulak. Wala na bang mas dadrama sa setting na to? Mainit pero malamig. Mainit ang paligid, pawis na pawis na nga ako. Pero malamig, malamig ang loob ko, ang nararamdaman ko. Mag-isa ako sa Sabadong kaunti ang mga tao sa paligid. Kaunti pero mayroon. May nagshu-shoot, may mga nagpapahingang cyclists, may mga hayskul at may mga dumadaan-daan. Nalulungkot na naman ako. Puro kadramahan na naman to. Naiinis ako dahil iba ang takot ko sa tuwing alam kong maiiwan ako mag-isa, sumisipa kasi ang depresyon ko’t naaabsorb lahat ng shit sa mundo.

Bakit nga ba kasi ako mag-isa?
Ang tagal ni Cledera.
Pero alam kong darating siya.
Sigurado ako.

Unang Bigwas

Kagabi lang ako nakatulog. At nakatulog lang talaga.

Umaga ang pinakamasakit na parte ng araw.

Sa paggising mo palang, sasapakin ka na ng mundo.

Sasampalin ka nito sa mga katotohanan at shit ng buhay mo.

Masakit talaga.

 

Minsan gusto mong matulog nalang ulit pero ganun din naman paggising mo.

Nakakatakot nang matulog.

Alam mo kasing paggising mo, puro realisasyon na naman.

Sakit, pait, takot at stress, halu-halo na lahat.

 

Parang tuloy hindi mo na gugustuhing bumangon pa.

Mapapatitig ka nalang sa kisame, mapapabuntong-hininga.

Kukurap, magdadalawang isip, hihinga.

Babangon o tutulog?

 

Ipagpapatuloy mo pa ba ang araw na ‘to? Oo.

Inuulan Ako Ng Pagmamahal

Sa pagkakataong akala ko nawala na mundo ko. Na akala ko walang-wala na ako. Doon ko pa mas nadama ang presensya ng iba, maging ang kahalagahan ko. Inuulan ako ng pagmamahal, hindi ng simpatya, ng pagmamahal.

Halaga at pagmamahal na ipinagdamot mo sa’kin.