Pasibo

Nakaupo.

Nakatitig sa monitor. Scroll up, scroll down. Click lang ng click. Basa-basa. Tatawa, sisimangot. Magtatype at magrereact. Hanggang dito nalang ba?

 

Minsan sobrang liit lang ng mga bagay na pinoproblema ng mga tao pero pakiramdam nila mamamatay na sila. End of the world na. “Game over”. Hindi matapus-tapos na hinaing kung saan man puwedeng maiparating. Pero sa paligid, mas marami pang makabuluhang mga kaganapan ang nangyayari.

 

Siguro nakatawid ka na sa overpass. Nakita mo ba ang mga nanglilimos? Yung ilang pisong sinasayang ng karamihan ang siyang bumubuhay sa kanila. Eh yung mga nagkalat na tindahan sa eskinita? Masikip, mainit, magulo at maraming tao. Lahat ng mga katangiang ayaw natin sa isang lugar na masasakupan at pamamalagian natin, pero wala eh. Doon sila kailangang mag-tiyaga para makapag-hanapbuhay. Eh yung mga lagatak ng maliliit na tambol na gawa sa lata? Oo, yung mga dala ng mga batang “Badjao” na tumutugtog pagkaabot ng sobre sa mga pasahero ng dyip na inaakyat nila. Nakakairita’t nakakadiri sa nakararami. Napansin mo ba yung mga matatandang nagkakanda-kuba na kabubuhat ng saku-sakong lata, kahoy, plastik at basura? Sila lolo’t lola na makikita natin sa daang nagtitiis sa bigat ng pasanin. Pero ano nga naman ba ang pasaning iyon sa pasaning bitbit nila sa kanya-kanyang buhay? Nakikita mo ba yung mga nagtitinda ng pasalubong, shing-a-lings, kropek, chicharon at mani sa ilalim ng sikat ng araw o maging sa patak ng ulan? Walang pagod na pagkatok sa bintana ng kotseng magagara, pagsilip sa mga pampasaherong sasakyan at pag-akyat sa mga bus.

 

Napakaraming matitiyagang mamamayan, hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo, ang nagpapakahirap magbanat ng buto mayroon lang maipanglaman sa tiyan ngunit sila’ng nasa ibaba ng pyramido. Hindi gumaganang phone, di masarap na pagkain, mainit, tinatamad —  napakaraming problema ng mga petty B. Simpleng bagay, pinapalaki. May hindi lang makuha, kala mong malalagutan ng hininga. Napakaraming nakikipagsapalaran araw-araw, nagtatanong kung hanggang kailan sila makakakain, makakapagpahinga o makakahinga ng maluwag. Imbis na daing tayo ng daing, gawan ng paraan. Mamulat rin sana tayo sa katotohanan ng lipunan. Sana balang araw hindi lang hanggang “type” at click lang ang mga reaksyon natin. Maaaring tumulong o kahit maging sensitibo man lang.

 

Appreciate what you have. Appreciate life. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s