2K13 Roller Coaster Ride

2013 was a better-than-SpaceShuttle ride

Sa una, exciting siyempre. Yun bang hindi mo alam kung anong mangyayari o kung anong mga mararamdaman mo. At kahalo ng excitement at sayang nararamdaman mo ay ang takot.

“The world’s a roller coaster and I am not strapped in.” sabi nga ng Incubus.

     Sa simula pataas yung tinungo ng sinasakyan mo. Andyan yung hopes na meron ka sa iba’t ibang bagay. Kasama din dito yung mga planong sinet mo para makamit sa taong parating.

     Tapos biglang babagsak ng ‘di mo namamalayan. Siyempre hindi naman lahat ng bagay nakokontrol natin at nabibigo tayo sa maraming pagkakataon. Darating dito yung mga hindi mo naabot na goals o yung mga planong nasira.

     Biglang bibilis yung takbo ng sinasakyan mo’t aakyat muli. Minsan sobrang bilis nalang ng mga pangyayari at nakikita mo ang sarili mong umaasa ulit na para bang hindi ka nabigo.

     Nandoon ka na pala sa ‘loop’ at nakabaliktad ka na. Mapaglaro din ang mundo. Akala mo maayos ka’t sapat na ang lahat pero binabaliktad ka na pala nito. Para bang sobrang gulo ng lahat at hindi mo na maintindihan ang mga pangyayari. Ngunit alam mo na kasama to sa pagdadaanan mo at patungo ka sa mas masayang parte ng buhay.

     Bigla na lang liliko yung sinasakyan mo na parang mahuhulog ka na. May mga pagkakataon sa buhay natin na hindi natin inaasahan na bigla nalang nangyayari o dumarating. May mga pagkakataon na akala mo hindi mo na kaya, na malalaglag ka na pero mali ka kasi may kumakapit sa’yo at may pinagkakapitan ka pa. Kaya sa kahit anong taas, baba, liko, baliktad at loop ang pagdaanan mo, alam mong hindi ka malalaglag.

     Matatapos nalang ang ride na puno ka pa rin ng adrenaline at saya. Na parang gusto mo pa. Uulitin mo pa dahil bawat takot at kaba ay bahagi ng ride na yun, hindi mo rin mararamdaman ang kasiyahan kung walang kalungkutan. Pero lagi’t lagi mong pipiliing maging masaya.

– Sa mga taong sumama sa’kin sa simula palang ng pila sa roller coaster na to, salamat at sana manatili kayo sa muli kong pagsakay ng ride na ito.
– Sa mga taong dumadagdag lang ng dumadagdag habang patuloy ang takbo ng ride na ‘to,  samahan nyo pa ako.
– At sa’yo na humabol bago matapos ang roller coaster ride na to, mahal na mahal kita. Salamat sa pagsisigurado saking hindi ako mapapahamak sa sinakyan ko. Salamat din na sasamahan mo pa ako sa pabalik-balik ko dito.

 

  • Para sa lahat ng naging parte ng 2K13 ko at magiging parte pa ng 2K14 ko.
  • Para lalo sa UPLB Devcomsoc.
  • Para lalung-lalo kay Karl T. Suministrado.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s