Monthly Archives: January 2014

Pasibo

Nakaupo.

Nakatitig sa monitor. Scroll up, scroll down. Click lang ng click. Basa-basa. Tatawa, sisimangot. Magtatype at magrereact. Hanggang dito nalang ba?

 

Minsan sobrang liit lang ng mga bagay na pinoproblema ng mga tao pero pakiramdam nila mamamatay na sila. End of the world na. “Game over”. Hindi matapus-tapos na hinaing kung saan man puwedeng maiparating. Pero sa paligid, mas marami pang makabuluhang mga kaganapan ang nangyayari.

 

Siguro nakatawid ka na sa overpass. Nakita mo ba ang mga nanglilimos? Yung ilang pisong sinasayang ng karamihan ang siyang bumubuhay sa kanila. Eh yung mga nagkalat na tindahan sa eskinita? Masikip, mainit, magulo at maraming tao. Lahat ng mga katangiang ayaw natin sa isang lugar na masasakupan at pamamalagian natin, pero wala eh. Doon sila kailangang mag-tiyaga para makapag-hanapbuhay. Eh yung mga lagatak ng maliliit na tambol na gawa sa lata? Oo, yung mga dala ng mga batang “Badjao” na tumutugtog pagkaabot ng sobre sa mga pasahero ng dyip na inaakyat nila. Nakakairita’t nakakadiri sa nakararami. Napansin mo ba yung mga matatandang nagkakanda-kuba na kabubuhat ng saku-sakong lata, kahoy, plastik at basura? Sila lolo’t lola na makikita natin sa daang nagtitiis sa bigat ng pasanin. Pero ano nga naman ba ang pasaning iyon sa pasaning bitbit nila sa kanya-kanyang buhay? Nakikita mo ba yung mga nagtitinda ng pasalubong, shing-a-lings, kropek, chicharon at mani sa ilalim ng sikat ng araw o maging sa patak ng ulan? Walang pagod na pagkatok sa bintana ng kotseng magagara, pagsilip sa mga pampasaherong sasakyan at pag-akyat sa mga bus.

 

Napakaraming matitiyagang mamamayan, hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo, ang nagpapakahirap magbanat ng buto mayroon lang maipanglaman sa tiyan ngunit sila’ng nasa ibaba ng pyramido. Hindi gumaganang phone, di masarap na pagkain, mainit, tinatamad —  napakaraming problema ng mga petty B. Simpleng bagay, pinapalaki. May hindi lang makuha, kala mong malalagutan ng hininga. Napakaraming nakikipagsapalaran araw-araw, nagtatanong kung hanggang kailan sila makakakain, makakapagpahinga o makakahinga ng maluwag. Imbis na daing tayo ng daing, gawan ng paraan. Mamulat rin sana tayo sa katotohanan ng lipunan. Sana balang araw hindi lang hanggang “type” at click lang ang mga reaksyon natin. Maaaring tumulong o kahit maging sensitibo man lang.

 

Appreciate what you have. Appreciate life. 

Advertisements

23 Best Mindfuck Movies

I wanna watch ’em allllllll

CouchPopcorn

Mindfuck movies?!

Oh yeah! It means exactly what it says on the title; Movies that’ll play and screw with your mind till the point that you don’t know where you are, or something very similar.

Don’t know what I mean? Have you ever seen a movie, during or after it, that make you go; “What the F just happened here?!” Did you get your mind blown to little pieces and came out bit disappointed at your self for not figuring it out earlier?

Well, here are 23 movies that will play with your head and maybe even make you feel bit silly, but don’t feel down if you don’t get them, because it doesn’t mean you are a total moran, no Sir! It means that the movie was just way too mindfucker for your little brain and that you need to train it to understand better these masterpieces.

WARNING: These…

View original post 3,519 more words

PROBLEMA

Hindi ko alam kung sino ang may problema.
Ako ba ang may problema o siya ang may problema?
Ni hindi ko nga alam madalas kung ano ang problema,
O kung may problema nga ba.
Paano ba sosolusyonan ang problema,
Kung ikaw mismo di mo mahanap ang problema?

Basta problema lang ‘yan, ‘wag sayangin ang buhay. Dahil mas mahalaga ang kasiyahan sa ibang bagay kaysa ang pagsimangot sa problemang taglay.

May mga pagkakataong gusto kong lumayo.
Gusto kong tumakbo ng tumakbo.
Minsan gusto kong biglang mawala,
Yung tipong kakainin nalang ng lupa.

Pero naiisip ko, puro katangahan lang ‘yon.
Bakit ko tatakasan ang hamon ng mundo?
Mas mabuting harapin ang pait at takot,
Kesa magpalamon sa sakit at poot.

Muli

Heto na naman, ayan na naman.
Nadedepress ka’t hindi namamansin.
Natatakot ako na baka dahil hindi kita makausap sa paraang gusto mo,
Iba ang kausapin mo, iba ang takbuhan mo.

Ayaw ko nang maulit ang dati,
Sa iba ka lumalapit kapag nararamdaman mo ang insecurity.
Sana hindi mangyari ang iniisip ko.
Natatakot ako sa mga pagkakataong ganito.

Oo, hindi ito tula. Hindi ako marunong magsulat ng tula.

Umaga

Tumunog na ang alarm ko.
Umaga na pala.
Sumikat na naman ang araw.
Ngunit heto pa rin ako’t gising at nagmumuni-muni.

Anong trip natin?
Good morning, universe.

Skeyter

Long socks, long hair, plain white/black shirt, shorts/pants, vans shoes, wayfarer shades. Never kong na-imagine na magkakaroon ako ng boyfriend na skater. Yung hipster ba. Hindi nga dumali sa isip ko na may makaka-close ako na ganun. Tapos andyan ka. Sobrang iba ka sa iniisip kong dream guy noon. Kasi ba naman ang binubuo ko sa isip ko ay yung mala-Boy Next Door ang dating o mala-member ng Pretty Boys Org. Pero ikaw, you were better than those typical leading men na makikita sa teen kilig shows. You are totally beyond the norms the society has constructed. Iba rin ang trip mo sa music — hindi nga “mainstream”. Nage-egoy talk ka pa and hiphop gestures (not the typically known one). Sobrang daming iba sayo. May culture at karakter kang tao. Yung art mo, unusual din. Basta iba ka.

Sabi mo dati, natatakot kang baka di kita matanggap dahil sa culture na mayroon ka, pero doon nga kita mas lalong minamahal, sa pagiging “ikaw”. Yung ikaw, kung sino ka, kung paano ka kumilos at manalita, kung ano man ang pananamit mo, kung ano man ang mga views at perceptions mo, kung anong stand mo sa mga bagay-bagay na hindi ka natatakot na ipahayag sa lahat; diyan kita mas lalong minamahal. Kasi yung pagkakaroon palang ng “balls” na panindigan at mag-stand up sa mga pinaniniwalaan mo ay higit pa sa “ideal guy” na na-build ko noon. Yung pagiging iba mo, sana hindi maging cause ng insecurity mo sa relasyong to minsan, kasi doon kita nakilala at kasama yun sa pagkataong nakikita kong makakasama in the long run.

Wayfarer sunglasses, plain white/black shirt, shorts/gray pants, long socks, skate shoes.

Stencils. Stickers. Markers. Spray Paints. SKATEBOARD. Violin. Ukulele. Guitar. Photoshop. Blackberry. Backpack. Journal. Rock Climbing Gears.

MAHAL KITA BILANG IKAW. IKAW NG BUONG-BUO.

Gusto ko yung…

Sobrang saya ko lang ngayon. Sobrang saya ko sa’yo. Katulad nga ng sabi ko sa’yo dati, ito yung pinapangarap kong relasyon. Ito yung listahan ng ilan sa mga bagay na gustung gusto kong ginagawa mo/natin.

  • Gusto ko yung nakahiga lang ako sa lap mo tapos lalaruin mo buhok ko habang nagkukuwentuhan tayo sa apt mo.
  • Yung pag-amoy mo sa buhok ko. Para bang kakaibang gesture kasi ‘yon.
  • Pag magkatabi tayong nakahiga, gustung-gusto kong pinakikinggan tibok ng puso mo, cliche man pero totoo.
  • Yung pag hawak mo sa braso ko sabay paghalik sa noo.
  • Pag kinikiskis mo yung ngipin mo sideways, ewan ko parang lalo kang pumopogi.
  • Kapag nagshe-shades ka, extra pogi!
  • Naku-cute-an ako sa’yo kapag aasarin mo ako sa pinagseselosan mo sabay aamo ka na parang tuta, sobrang cute mo talaga doon.
  • Bibitinin mo ako sa sasabihin mo tapos sasabihin kong “okay!” tas ikaw yung di makakatiis at sasabihin mo rin.
  • Inaayos mo yung buhok ko pagkatapos sasabihin mong “Ang ganda ng girlfriend ko.”
  • Sinasabihan mo yung ibang mga lalaking tumitingin sa’kin na “Oh ang ganda no” tas sabay hahawakan mo kamay ko.
  • Kapag kumakain tayo tas ubos na yung kinakain mo, titingin sa pagkain ko sabay ngingiti — alam ko na kasunod noon, hihingin mo na.
  • Manga-asar ka tas biglang bawi sasabihin mong “Ohh ohh, ayy ayyyy di na tama na. Sorry na.”
  • Tinutusok mo kilikili ko kahit hahahaha.
  • Kahit naiinis ako natutuwa pa rin ako kapag may pinapabasa ka sa’king alam mong mali ang pagpo-pronounce ko, parang ang bilis mo kasi pasayahin.
  • Pag kakain tayo, parang apat na tao o higit pa yung kakain.
  • Pagsi-C3 extra rice natin.
  • Walang katapusang pagkain natin.
  • Iha-hug mo nalang ako bigla.
  • Hindi na natin kailangang magsalita dahil alam na natin ang iniisip ng bawat isa.
  • Yung mga travels natin together.

Lahat. Iilan lang yan sa gusto ko sa atin. Iilan lang yan sa mga dahilan kung bakit ako patuloy at paulit-ulit na nahuhulog sa’yo. Araw-araw, mas minamahal kita. Oo, posible pala yun..