Ikaw, bilang mundo ko.

“Ang pangit sa pakiramdam nito, parang ikaw ang mundo ko,

pagkatapos ako, kapiraso lang ng sayo.”

Isang linya mula sa TEF post. Simple, pero mabigat. Noon napapaisip ako kung talaga bang kapiraso lang ng mundo ko ang nabibigay ko sayo. Minsan, parang oo. Minsan, parang hindi. Ibinibigay ko lahat at masaya ako doon. Mula sa pagdilat ng mata ko sa paggising hanggang sa pagsara sa t’wing makakatulog, iisang tao lang naman nasa isip ko. Ikaw. Gusto kong maramdaman mo na sa’yo ako buong-buo. Sa’yo ako at wala kang kahati. Sa’yo ako. Yung isipin lang na mawawala ka, parang nadudurog na ako. Ganon ka kahalaga sa’kin, na kahit sa hinaharap ko, ikaw at ikaw lang din ang nakikita kong kasama.

Kasama kong tumanda. Sasamahan mo akong maggrocery’t mamalengke. Aalalayan natin ang isa’t isa dahil sa mga nanghihinang tuhod. Sasabayan pa rin kita sa bawat pagkain mo. Magsesepilyo pa rin tayo’t ngingiti sa isa’t isa. Magtatravel kahit matanda na. Minsanang magtatalo pa rin kahit sa maliliit na bagay. Magkatabing matutulog. Yayakapin kita kasabay ng pagsabi mong “sobrang sarap ng yakap mo”. At mamahalin lang natin ng buong-buo ang bawat isa.

Masyadong dreamy, masyadong idealistic. Alam kong ayaw mong tumanda pero nakikita kitang kasama ko sa panahong ‘yon. Hindi mo man maipangako sa’kin na tayo “forever”, doon pa rin ako nakatingin dahil sigurado ako sa’yo. Sigurado ako at ngayon ko lang naramdaman ‘to.

Mahal na mahal kita at iisa lang ang sagot ko sa tanong kanina, oo ikaw ang mundo ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s